Pages

Thursday, May 25, 2017

Boracay PNP, naka-full alert status hinggil sa pag-atake ng Maute Group sa Mindanao

Posted May 25, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Image may contain: one or more people, people standing, ocean, beach, sky and outdoor
Photo Credit: Boracay PNP
Dahil sa nangyaring pang-aatake ng Maute Group sa Marawi City sa Mindanao, naka-full alert status ngayon ang hanay ng mga kapulisan ng probinsya partikular sa isla ng Boracay.

Sa panayam kay Deputy Director Police Inspector Jose Mark Gesulga ng Boracay PNP, kahit wala umanong sightings dito sa probinsya ay gumagawa sila ng hakbang upang ipaalam sa mga tao kung ano ang mga dapat gawin ng dahil sa nangyayaring pag-atake sa Marawi City.

Ani Gesulga, nagkaroon na umano sila ng pakikipag-ugnayan sa Muslim Community para sa mas mabilis na koordinasyon ng otoridad sakaling may mapansing mga kahina-hinalang elemento sa paligid.

Image may contain: 1 person, sitting, table and indoorSamantala, sa kanilang pag-uusap ni Senior Superintendent Deputy Regional Director for Operations at Chief of PNP Regional Drug Enforcement Unit (FDEU) Christopher Tambungan ng PRO-6, sa tulong umano ng media ay madaling maipababatid sa publiko ang kanilang security measures at ng sa gayon ay maiwasan ang pagpasok ng mga may masasamang balakin.

Kaugnay nito, malaki umanong tulong ang resulosyon sa pag-buo ng “Joint Task Force Boracay” nito lamang nakaraang linggo dahil ito ay may kaugnayan upang masiguro, maging maagap at handa ang Boracay at Malay sa anumang banta sa seguridad at para pagtibayin ang kaalaman ng publiko laban sa mga taong may masamang binabalak.

Magpupulong ngayon ang Boracay PNP at iba pang security forces ng Task Force Boracay upang pag-uusapan ang karagdagang hakbang na gagawin lalo at hindi pa humuhupa ang tensyon sa Marawi City.

No comments:

Post a Comment