Pages

Wednesday, April 05, 2017

West Cove, ginisa ng Sangguniang Bayan ng Malay

Posted April 5, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Muli na namang ginisa ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan (SB) Malay ang patuloy na construction ng umano’y kalsada papuntang West Cove Resort sa Boracay.

Naging pangunahing si West Cove General Manager Ben Mobo kung saan pinag-paliwanag ito sa mga isyu at mga nangyayaring konstruksyon malapit sa kanilang resort.

Nag-ugat ang pagpapatawag ng SB kay Mobo ng mapansin ng ilang residente at mga bakasyonista na may discoloration ang tubig-dagat sa kanilang area na posibleng sanhi ng saltation o pagka-anod ng putik mula sa bulubunduking bahagi ng Hagdan.

Dahil sa napansin ng SB na parang may kalsadang ginagawa sa area, ipinaliwanag ni Mobo na hindi sa kanila ang ang ginagawang kalsada bagkus ay ginagawan pa raw umano nila ito ng paraan para hindi na lumala ang pag-erode ng lupa sa pamamagitan ng retaining wall.

Samantala, naging mainit naman ang pagtatanong partikular ni Vice Mayor Abram Sualog kay Mobo dahil maka-ilang beses na itong nagtanong kung sino ang nasa likod ng pagsasaayos sa naturang kalsada ay ang tanging sagot lang nito ay Engineering Office ng LGU-Malay.

Bagama’t duda ang ilang miyembro ng SB-Malay, may iprenisinta si Mobo na mga dokumento at plano na ayon sa kaniya ay utos umano ni Municipal Engineer Elizer Casidsid.

Sa pagtatanong kay Yapak Punong Barangay Hector Casidsid kung may alam ba ito sa mga nangyayari, depensa ng huli ay para raw sa mga namamasyal ang ginagawang development doon para maka-iwas sa anumang disgraysa at merong madadaanan.

Kaugnay nito, para maging maliwanag ang lahat ay minabuti ng Sangguniang Bayan ng Malay ipinatawag sa sesyon ang kinatawan ng EMB- DENR Region 6, PENRO, Zoning Office at Munipal Engineering Office kung ano ang kanilang alam at magiging aksyon sa naturang isyu.

No comments:

Post a Comment