Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Kukuha na sana ng
Police Clearance ang suspek na si Marlon Rustro, 28 anyos ng Barangay Caticlan,
Malay, Aklan ng matuklasang wanted pala ito.
Ayon kay PO2
Anthony Valderama ng Malay PNP, nagsasagawa umano ng operation ang kanilang
himpilan hinggil sa mga wanted person ng matuklasan na wanted pala itong si
Rustro na kukuha sana ng Police Clearance.
Nabatid na
ini-reklamo ang suspek ng kanyang asawa ng pananakit o RA 9262 o Anti-Violence
Against Women and their Children Act of 2004.
Samantala, matapos
makulong ang suspek ay agad din itong nakapag-pyansa na nagkakahalaga ng P6,000
para sa pansamantalang kalayaan nito.
No comments:
Post a Comment