Ni Alan Palma, YES FM Boracay
Masaya at may
galak na tinaggap ng Philippine Red Cross Boracay-Malay Chapter ang unang batch
ng mga gamit mula sa Rotary Club of Jindo- Korea.
Sa ginawang turn-over
ceremony ng proyektong Global Grant 1640616, dinaluhan ito ng mga Rotarians
mula Korea sa pangunguna ni IPP Jung at ilang Past District Governors.
Sa seremonya ng ginawa,
pormal na tinaggap ni PRC Boracay-Malay Chapter Chairman Jojo Medina at mga
Board of Directors ang mga gamit tulad ng laptops, printers, sterilizer, at mga
beds and chairs para sa Local Blood Collecting Unit o Blood Station ng chapter.
Ayon kay Chapter
OIC John Patrick Moreno, may darating pa na mga gamit sa susunod na mga araw
kung saan inaasahan nila na ito ay makakatulong sa mga nangangailangan ng dugo sa
isla lalo na sa panahong ng emerhensya.
Dagdag pa ni
Moreno, sakaling operational na ang Blood Station sa Boracay ay pagsuri na lamang
ng mga dugo ng mga donors ang prosesong gagawin bago ito gamitin ng mga pasyenteng
nangangailangan sa isla at kalapit na lugar.
Anya, sa ganitong
development ay may kapasidad na ang Boracay na magkolekta at mag-ipon ng dugo na
hindi na aasa o tatakbo pa sa ibang Blood Bank o Blood Station sa kalapit na lugar
tulad ng Roxas at Iloilo City.
Sa kasalukuyan ay inaayos nang Philippine Red Cross ang silid
para paglalagakan ng gamit ng Boracay Blood Collecting Unit o Blood Station.
No comments:
Post a Comment