Pages

Tuesday, March 14, 2017

Lumot sa Boracay, pangkaraniwan sa mga Boracaynon


Posted March 14, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Naging maiinit na usapin sa social media ang tungkol sa lumot sa Boracay pagkatapos itong ibalita sa National TV.

Nitong nakaraang Sabado sa programang Boracay Good News,isinalaysay ng mga matagal ng naninirahan sa isla na ang lumot ay normal tuwing papasok ang panahon ng tag-init.

Ayon kay Vicky Aguirre-Salem, simula noong bata pa ito, ang lumot umano ay isa sa mga pangkaraniwang tanawin sa isla kung saan ay pinaglalaruan pa nila ito noon.

Pagdepensa ni Salem, hindi ito dulot ng anumang dumi dahil hindi pa ganoon ka develop ang Boracay kumpara sa panahon ngayon.

Image may contain: 3 people, people standingKahalintulad din ang naging obserbasyon ni BFI President Dionisio Salme na matagal ng naninirahan at nag-nenegosyo sa isla.

Sa mga nangyari at epekto ng balita sa TV, isa lang ang nakikita na mali ni Salme at iyo ay ang hindi nabigyan ng magandang paglatag ng balita dahil hindi umano kumuha sa kanila ng panig ng impormasyon ang reporter.

Samantala, paalala naman ni Salem sa mga residente dito na magtulungan para sa isla ng Boracay at kung meron man umanong concern sa isla ay dapat may isang representante ang LGU na magsasalita at magpapaliwanag ukol dito.

Inirekomenda pa nito na dapat magbigay ng mga flyers at maglagay ng signage na may impormasyon tungkol sa isla ito’y para maging aware ang mga bumibisitang turista.

Dagdag pa ni Salme at Salem, dapat umanong magkaroon ng Environmental Forum para mapag-usapan hindi lang ang isyu patungkol sa lumot kundi pati na sa ibang problemang kinakaharap ng isla.

No comments:

Post a Comment