Pages

Friday, February 17, 2017

Premyo ng mga sasaling tribu sa 2018 Ati-Atihan, tataasan – KASAFI

Posted February 17, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for ati-atihan 2018Nakatakda umanong taasan ang premyong matatanggap ng mga mananalong tribu na sasali sa Ati-atihan sa susunod na taong 2018.

Nabatid kasi na ang kabuuang subsidy na inilabas sa tatlumpung sumali sa 2017 Ati-Atihan ay nagkakahalaga ng P882,500 kung saan nai-uwi ng Tribal Big ang P47,000, P30,000 naman sa Tribal Small habang P23,500 ang naiuwi ng Balik-Ati at modern group na tumanggap ng P18,000. 

Ayon kay Albert Menez,chairman ng Kalibo Sto. Niño Ati-Atihan Foundation, Inc. (Kasafi), nasa dalawampung porsyento ang inaasahang idadagdag sa dating kabuuang subsidy kung saan ang nasabing dagdag ay magmumula sa savings ng Ati-Atihan ngayong taon.

Asahan naman umano ng mga merrymakers ang bagong events sa 2018 kung saan ang bagong aktibidad sa turismo ay ipapakilala sa weeklong celebration ng Kalibo Ati-atihan para mas makapag-engganyo pa ng maraming turista. 

Samantala, ang selebrasyon ng "Mother of All Philippine Festivals" ay magsisimula sa Enero 12 hanggang 21 taong 2018.

No comments:

Post a Comment