Posted February 18, 2017
Ni Danita Jean A.
Pelayo, YES FM Boracay
Ito ang naging pahayag ng E-trike supplier na BEMAC sa
nakaraang 6th Regular Session ng SB Malay nitong Martes.
Sa pangunguna ni Christian Arvin Tolentino, aayusin umano
nila ang mga kailangan pang i-improve sa E-trike na kanilang isinuplay lalo pa
at may bagong successor ang BEMAC.
Ang BEMAC ay pinapurihan ni SB Member Dante Pagsuguiron
dahil sa umano sa maayos na serbisyo ng
kanilang unit maliban pa sa magandang maintenance performance na hindi nagdulot
ng ano mang problema sa mga kumuhang operators.
Ani Pagsuguiron, ang tanging concerns lang umano ng mga
E-Trike drivers ay ang apat na oras na haba ng charging ng mga ito.
Bagamat ikinatuwa ng BEMAC ang komento ng konsehal,
pinasiguro naman nila ang ang problema sa fast charging ay malapit ng solusyonan
sapagkat babawasan na nila ang apat na oras sa dalawang oras na charging.
Sa kasalukuyan, napag- alaman na may tatlumpu’t- siyam na
mga BEMAC E-trike units ang nag- ooperate sa isla.
No comments:
Post a Comment