Posted February 22, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay
“So far so good”
Ito ang naging pahayag ni Police Superintendent Gilbert
Gorero sa naganap na Senior Officials Meeting ng Foreign Minister’s Retreat na
nagtapos kahapon.
Ayon kay Gorero, sinunod nila ang International Templates
na siyang standard security para sa nasabing pagpupulong.
Aniya, wala siyang narinig na negatibo tungkol sa
Boracay, bagkus magagandang komento ang binitawan ng mga delegado na dumating
sa isla, kung kaya’t inaasahan pa ang pagbabalik ng mga ito, hindi para
umattend ng pagpupulong kundi para magbakasyon.
Sa kabilang banda, naging maganda rin ang komento ng mga
turista dahil naramdaman nila ang kaligtasan sa deployment ng mga pulis.
Inihayag pa ni Gorero, na naging madali ang kanilang
pag-execute ng seguridad dahil na rin sa tulong ng Lokal na Pamahalaan ng Malay
at maging ng mga mamamayan kung saan naging katuwang nila ang dalawampu’t-
isang mga ahensya na pinagsama- sama para sa maayos na ASEAN Summit 2017.
At sa sandaling makalabas na ng bansa ang mga delegado,
inaasahan nitong maipagmamalaki ng kaniyang grupo, at ng ibang ahensiya na
naging bahagi ng ASEAN SUMMIT, at maging ng lokal na pamahalaan ng Malay sa
buong bansa na naging secured ang mga delegado na walang major incidents na
nangyari sa kanila sa kanilang pananatili sa Boracay.
Samantala, hindi pa umano nila masasabing tapos na ang
inilatag nilang seguridad dahil may ibang delegado na kasalukuyang nasa isla
pa.
No comments:
Post a Comment