Ni Inna Carol L. Zamnrona, YES FM Boracay
Kinilala ngayon ng mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan (SP) Aklan ang bagong award na napanalunan
ng atletang Aklanon na si Kyla Ong Soguilon.
Napabilang umano
si Soguilon sa ikatlong pagkakataon bilang kauna-unahang atleta na nakasungkit
ng tatlong sunod-sunod na taon bilang Junior Athlete of the Year at Milo
Junior Athlete of the Year sa larangan
ng paglalangoy.
Pinangunahan ni Board
member Emmanuel Soviet Russia Dela Cruz
at Board member Ramon Gelito sa
28th Regular Session ang pagkilala kay Soguilon at sa mga napanalunan nito sa
international competition.
Tinanggap ng
atleta ang parangal sa Metro Manila
sa ginanap na Philippine
Sportswriters Association o (PSA)
nitong Pebrero 13 taong kasalukuyan.
Samantala, bukod
kay Soguilon, kinilala rin ng komitiba ang coach nito na si Manuel De
Leon kung saan dahil na rin sa galing
ng kaniyang pagtuturo kung kaya’t nakamit nito ang tagumpay na kanyang
tinatamasa ngayon.
No comments:
Post a Comment