Pages

Monday, January 02, 2017

Seguridad sa isla, mahigpit na binabantayan ng Coastguard Caticlan

Posted  January 2, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image result for SECURITYMahigpit na ngayon ang ginagawang pag- iinspeksyon sa caticlan jetty port ng mga grupo ng coastguard caticlan, ito ay may kaugnayan sa nalalapit na pagsalubong sa taong 2017 kung saan dagsa ang mga turistang pumapasok sa isla ng Boracay.

Bukod sa Coastguard, naka- alerto rin ang mga kapulisan sa pagbabantay sa Caticlan Jetty Port kung saan may kasama silang K9.

Layunin nito na masiguro ang kaligtasan ng bawat indibidwal na paroo’t parito sa isla bago at pagkatapos ng Bagong Taon. Nais din nila na maiwasan ang overloading sa mga bangka.

Dagdag pa dito, may nakalagay umanong sila Command Post o Assistance Desk upang umalalay sa mga pasahero lalo na sa mga may concern o hihingi ng tulong.

Bukod dito, nais rin nilang maging ligtas ang mga papasok ng isla na may dalang paputok.

Sa kabilang panig naman, sa Cagban Port nakabantay din dito ang iba pang grupo ng mga coastguard kung saan puspusan din ang seguridad na kanilang ipinapatupad.

Kaugnay nito, nagmomonitor rin ang mga naka- assign na coastguard sa kahabaan ng long beach para naman sa seguridad ng mga naliligo at mga watersports activities.

Dahil dito, inaasahan namang magiging maayos at payapa ang pagsalubong sa Bgaong Taon ng mga turista at kapwa Pilipino na magdiriwang sa isla ng Boracay.

No comments:

Post a Comment