Pages

Monday, January 02, 2017

Task Group, binuo na para sa nalalapit na Asean 2017

Posted January 2, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for ASEAN SUMMIT 2017Puspusan na ngayon ang ginagawang paghahanda ng Aklan Provincial Police Office (APPO) sa nalalapit na ASEAN Summit, kung saan inilatag na nila ang mga task force na bubuo para sa pagbabantay sa seguridad ng nasabing international event na gaganapin dito sa isla ng Boracay.

Ayon kay APPO Public Information Officer SPO1 Nida Gregas, nakabuo na umano sila ng task force para sa nalalapit na ASEAN SUMMIT 2017 na gaganapin sa isla sa darating na February 11 hanggang March 2.

Ito umanong preparasyon ay nagpapahiwatig na handa na ang kanilang hanay para mabantayan ang naturang event.

Nabatid na ang kanilang tema ngayon taon ay "Partnering for Change, Engaging the World."

Kaugnay nito, ito na ang ikatlong beses ng Pilipinas na maghost sa ASEAN SUMMIT kung saan ang una ay taong 1987 sa Manila at ang pangalawa ay sa Cebu nitong 2017.

Samantala, tiwala umano ang Probinsya ng Aklan na makakaya at magagampanan ng maayos ang mga responsibilidad sa darating na ASEAN summit sa Boracay.

At tiniyak din na matatapos ito ng mapayapa at matagumpay.

No comments:

Post a Comment