Posted December 8, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Ito ngayon ang
isang paraan na nakikita ni Sangguniang Bayan ng Malay Committee on Laws, Rules
and Ordinances Jupiter Gallenero para matulungan ang mga negosyante ng water
sports activity sa isla ng Boracay.
Sa naging
Privilege Speech kahapon 21st Regular Session ng Malay ni Gallenero , ipinunto
ng konsehal ang iba’t-ibang presyo na ino-offer ng mga Commissioner sa mga
turista dahilan kung bakit nagkaka-problema ang mga water sports activity.
Ayon kay
Gallenero, nais niyang ipaabot sa mga may-ari ng mga sea sports activity na
sila ay gumagawa ng paraan para maresolba ang naturang problema.
Aniya, nais
niyang maglagay ng table kung saan ito ang magsisilbing ticketing booth na
ilalagay sa Station 1 at Station 3 na siyang pupuntahan ng mga turista para sa
kanilang kukuning sea sports activity.
Nabatid na meron
umanong walong miyembro ng asosasyon ang sea sports activity sa isla kung saan meron
pa umanong gustong mag-apply at mag-operate dito subalit sinabi ni Gallenero na
huwag muna itong payagan para maayos ang problema dito.
Dahil dito,
nakatakda umano silang maghain ng moratorium sa lahat ng papasok na bagong aplikante
para dito.
Saad naman ni SB
Frolibar Bautista, ang nakikita umano paraan para dito ay ang paglalagay
ng opisina hindi lamang para sa checking kundi para din ma-monitor ang mga
watersports activities. Dahil kahit may moratorium umano kailangan pa rin ng
opisina.
Samantala, ayon naman
kay Vice Mayor Abram Sualog, ang nasabing isyu ay nakatakda ng pag-usapan kung
saan sinabi nito na maganda umano ang naisip ni Gallenero na magkaroon ng
moratorium at pag-amyenda nito.
Nabatid na meron
nang resulosyon ang SB-Malay subalit kinakailangan pang magpasa ng listahan ng
mga kagamitan ng kanilang mga units sa operasyon upang kanila itong maisyuhan
ng moratorium.
No comments:
Post a Comment