Posted December 8, 2016
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Pinuna nitong Martes sa Sangguniang Bayan ng Malay ni SB
Nenette Aguirre-Graf ang usapin tungkol sa mga traysikel drayber na hindi umano
nagpapasakay ng pasahero sa isla ng Boracay.
Aniya, dapat tuldukan na itong reklamo dahil ilang taon
na umano ang nakalipas ay hindi parin na papatawan ang mga nagkakasala dito.
Nabatid na meron umanong natanggap na reklamo magmula sa
Civil Service Commission patungkol naman sa reklamo na overpricing ng mga
tricycle driver.
Ayon naman kay SB Floribar Bautista, na dapat umano ang
opisina ng transportation office ay sa isla ng Boracay at hindi dapat sa
Mainland ng Malay.
Nabatid na itong usapin ay matagal ng reklamo ng mga
residente kung saan sinasabi ng mga ito na namimili umano ang mga tricycle
driver ng pasahero na kanilang isasakay.
Kung matatandaan meron na umanong ordinanasa ang Municipal
Auxiliary Police (MAP) na huhulihin ang tricycle driver na hindi nagpapasakay
ng pasahero kung saan dapat umanong kunin ang body number o plate number ng
sasakyan ng pasahero na hindi pinasakay at isumbong sa mga kinauukulan.
Kaugnay nito nakatakdang ipatawag sa susunod na sesyon
ang opisina ng BLTMPC o Boracay Land Transport Multi-Purpose Cooperative, Municipal
Auxiliary Police (MAP) at Transportation Office.
No comments:
Post a Comment