Posted December 9, 2016
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Ini-imbitahan ngayon ni Governor Florencio Miraflores at
Bise Gobernador Reynaldo Quimpo ang lahat ng mga Aklanon na makilahok sa
gaganaping week-long activity para sa “Kasiyahan sa Kabataan para sa Kabataan”
sa Goding Ramos Park, Provincial Capitol Grounds.
Ito umanong aktibidad ay nakatakdang magsimula sa Disyembre
katorse sa ala-sais ng gabi na sisimulan ng Student’s Night kung saan ang mga
batang Aklanon singers at dancers ay bibigyan ng pagkakataon na makilahok sa
national at international na kumpetisyon para sa performing arts, at kasabay nito
ay magkakaroon din ng motor-car show sa
naturang lugar.
Nabatid na itong limang araw na event ng Musika Kabataan na
itatampok ay lalahukan ng mga kabataan na may banda at mga solo performers
kasama na ang sikat na youtube sensation na si Emmanuel “Ipo” Belarmino.
Kaugnay nito, ina-anyayahan naman ang mga kabataan sa
probinsya na makilahok sa naturang aktibidad.
No comments:
Post a Comment