Pages

Tuesday, December 27, 2016

Bureau of Fire Boracay, may paalala sa mga bibili ng paputok ngayong bagong taon

Posted December 27, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for BFP-BORACAYNaka-red alert status ang Bureau of Fire Protection (BFP) laban sa pagpapaputok, lalo na ang paggamit ng mga ipinagbabawal na paputok ngayong papalapit na bagong taon.
Ayon kay Fire Officer 3 Franklin Arubang, mag-iikot umano sila sa buong isla para mamigay ng mga poster na naglalaman ng mga paalala ngayong holiday season kaugnay sa paggamit ng mga paputok.

Pina-alalahanan ni Arubang ang mga Malaynon lalo na ang mga residente sa isla ng Boracay na mag-ingat sa pagbili ng paputok.

Aniya, sa ngayon umano ay wala pang mga negosyante ng paputok ang nakapag-renew ng kanilang permit sa kanilang opisina.

Maliban dito, wala pa umanong designated area kung saan pweding bumili ng mga paputok subalit sinabi nito na posibleng malapit din sa kanilang opisina ito ilalagay.

Image result for iwas paputokAt kung bibili naman umano ng gagamiting paputok ay mas maiging bilhin ito sa mga Display Center at may permit dahil ang mga  umano nito ay sumailalim sa inspection ng mga otorisadong ahensya.

Samantala, mahigpit namang i-inspeksyunin ng mga Coast Guard Caticlan ang mga paputok na binili mula sa ibang lugar at itatawid sa isla, ito ay upang maiwasan ang anumang paggamit ng ipinagbabawal na paputok.

Ngunit para sa mas masaya at ligtas na selebrasyon ngayong bagong taon, muling hinikayat ng BFP ang publiko na gumamit nalang ng mga alternatibong pampaingay sa pagsalubong sa bagong taon, at kung magpapaputok man ay dapat hindi lasing upang maiwasan ang disgrasya.

Kaugnay nito, tema umano ngayon ng kanilang Oplan Paalala ay “Kaalaman sa Kaligtasan sa sunog tungo sa Masayang Pagdiriwang ng Pasko at Pagsalubong sa Bagong Taon”.

No comments:

Post a Comment