Pages

Tuesday, December 27, 2016

Bakhawan Eco-Park at Aklan State University, posibleng ipangalan kay Atty. Allen Quimpo

Posted December 27, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for bakhawan eco parkPosibleng ipangalan sa yumaong si Atty. Allen Quimpo ang Bakhawan Eco-Park at Aklan State University.

Ito ang naging mensahe ni Aklan Press Club Chairman Emeritus Juan “Johnny” Dayang sa isinagawang necrological service sa yumaong dating Congressman sa ABL Sports Complex.

Nabatid na si Quimpo ang nagpasimula ng pagtatanim ng bakhawan noong 1990 sa Barangay New, Buswang, Kalibo na tinawag na Bakhawan Eco-Park at isa na ring reforestation site.

Image result for aklan state universitySi Atty. Quimpo rin ang dahilan kung bakit naitatag ang paaralan ng Aklan State University (ASU) noong siya pa ang naglilingkod bilang kongresista ng Probinsya.
Bukod dito, nakapaloob din sa proposal ni Dayang na ipapangalan rin kay Atty. Quimpo ang School of Mass Communication ng Northwestern Visayan Colleges.

Kaugnay nito, itong pagkilala sa yumaong Presidente ng Northwestern Visayan Colleges ay bilang pagbibigay pugay sa kanyang nagawa sa Probinsya ng Aklan.

No comments:

Post a Comment