Posted November 14, 2016
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay
Arestado ang ika-
limang most wanted person sa Aklan matapos magsagawa ng manhunt operation
kahapon ang mga kapulisan.
Kinilala ang
suspek na si Ali Rentillo Dela Cruz, 40 anyo, residente ng Brgy. Mabilo, New Washington
at temporaryong nakatira sa Sitio Pinaungon, Brgy. Balabag, Boracay.
Ayon sa report ng
Boracay PNP, ang akusado ay may kasong Robbery sa ilalim ng Criminal case No.
9917, na inisyu ni Hon. Jemena Abellar Arbis, Presiding Judge, Regional Trial
Court, 6th Judicial Region, BRANCH 6, Noong July 11, 2011.
Samantala, P24, 000.00 ang inerekomendang
piyansa sa akusado para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
No comments:
Post a Comment