Posted November 14, 2016
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay
Nasa kustodiya na
ngayon ng mga pulis ang dalawang suspek, matapos arestuhin sa kasong pagnanakaw
sa mismong resort na pinagtatrabahuhan ng mga ito sa Station 1 Brgy. Balabag,
Boracay.
Kinilala ang
nagreklamong biktima na si Berdandino Servaz Navarro, 41-anyos, isang
cameraman, residente ng San Pablo City, Laguna at pansamantalang nanunuluyan sa
naturang resort.
Base sa salaysay
ng biktima sa Boracay PNP, napansin niya nalang na nawawala na ang kanyang
wallet sa loob ng kanyang kwarto kung saan sa kanyang paghahanap dito laking
gulat nalang niya ng makita niyang nasa veranda na ito ng resort.
Kaagad naman niya
itong tsenik, subalit wala na ang laman ng kanyang wallet na may lamang pera na
nagkakahalaga ng anim na libo.
Dahil dito,
nagsagawa ng imbestigasyon ang naturang resort sa pamamagitan ng pagreview sa CCTV
footage.
At dito nga nakilala
ang mga suspek na siyang kumuha ng wallet na agad namang inamin ng mga ito.
Sa ngayon ay pansamantalang
naka-kulong ang dalawang suspek dahil sa nagawang kasalanan.
No comments:
Post a Comment