Pages

Friday, November 04, 2016

Pagkain ng shellfish sa Aklan, ligtas sa kabila ng red tide

Posted November 4, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for shellfishNananatili umanong ligtas sa red tide toxins ang buong baybayin sa probinsya ng Aklan ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Kaya umano walang dapat ikabahala ang mga tao lalong-lalo na sa mga mahilig kumain ng shellfish dahil sa kabila ng red tide ay pwede itong kainin.

Nabatid na nitong mga nakaraang buwan ay naapektuhan ang tatlong bayan ng probinsya na kinabibilangan ng Batan, Altavas at New Washington sa malawakang red tide kasama na ang mga baybayin sa Capiz.

Sa kabila nito nananatili parin ang ginagawang pag-monitor ng BFAR sa mga karagatan sa bansa para masiguro ang kaligtasan ng publiko.

No comments:

Post a Comment