Pages

Friday, November 04, 2016

DOLE, nakatakdang pag-usapan ang ENDO sa Boracay

Posted November 4, 2016
Ni Inna Caro L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for Department of Labor & EmploymentPatuloy ang kampanya ng Duterte Administration na wakasan ang ENDO o (End of Contractualization).

Dahil dito,nakatakda itong pag-usapan ngayong araw na Biyernes dito sa isla ng Boracay kung saan ang magiging tagapagsalita dito ay si Undersecretary Dominador Say.

Nabatid na ang “ENDO” ay nakatakdang tapusin matapos ang isinagawang Orientation on the Elimination of Contractualization, "ENDO" & other Prohibited Practices ng Department of Labor & Employment (DOLE-Aklan).

Inaasahan naman ni Arlyn Siaotong – OIC DOLE Aklan Field Office na dadaluhan ito ng mga employers sa Boracay nang sa gayon ay maunawaan nila itong usapin sa pagsusulong ni Presidente Duterte na wakasan ang ENDO sa Pilipinas. 

No comments:

Post a Comment