Pages

Wednesday, October 26, 2016

Kauna-unahang "ObrATI " Dress an ATI Costume Contest ng KBP isasagawa ngayong araw

Posted October 26, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Ngayong alas-dos na ng hapon isasagawa sa Pastrana Park sa bayan ng Kalibo ang kauna-unahang "ObrATI " Dress an ATI Costume Contest ng Kapisanan ng mga Broadkaster ng Pilipinas (KBP) Aklan Chapter.

Ito ay lalahukan ng mga Brgy. sa nasabing bayan bilang pakikiisa sa ika- 445th Foundation Day ng bayan ng Kalibo.

Nabatid na para matawag na "ObrATI " ay kailangang mapinturahan na itsurang Ati habang nakasuot ng costume ang kalahok.

Samantala makakatanggap naman ng cash prize ang mga mananalong brgy. habang certificate naman sa mga hindi papalarin sa nasabing contest.

Ang KBP Aklan ay kinabibilangan ng 9 na radio station sa probinsya.

No comments:

Post a Comment