Pages

Tuesday, October 25, 2016

Boracay, magkakaroon ng malawakang brownout

Posted October 25, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona,YES FM Boracay

Image result for brownoutMagkakaroon ng malawakang brownout ang isla ng Boracay sa loob ng dalawang araw.

Sa power advisory ng Aklan Electric Cooperative, Incorporated o AKELCO, magkakaroon ng brown out sa magkaka-ibang lugar sa Boracay simula bukas petsa-26 hanggang 27 ng Oktubre.

Nabatid na ang mga apektadong lugar simula bukas ng alas- 4 ng umaga hanggang alas-6 ng umaga ay ang PNP Line Section, La Carmela, Aloha, Alice in Wonderland, Penjalo at Roques Place habang limang minutong brownout naman ang mararanasan mula alas-4 ng madaling araw hanggang alas-5 ang Boracay Subtation papuntang Manoc-manoc proper o Feeder 14, habang isang araw namang brownout ang mararanasan ng Alargo at Crimson Tide Resort.

Samantala, sa Oktubre 27 alas-8 ng umaga hanggang alas- singko ng hapon ay walang suplay ng kuryente ang Lapuz-lapuz to Brgy. Yapak kasama ang Fairways, Ambassador, The Linds, Shangrila at Movenpick. 

Maliban dito limang minuto ring brownout ang Boracay Sub-station going to Yapak sa Huwebes simula alas-8 ng umaga hanggang alas-8:05.

Nabatid na ang mga nakatakdang power interruption ay dahil sa mga gagawing line clearing, isolation process, at relocation ng 8 poles.

Kaugnay nito, ipinapa-abot naman ng AKELCO sa mga residenteng apektado ng brownout na maghanda at e-charge agad ang mga baterya ng kanilang mga kagamitan.

No comments:

Post a Comment