Posted August 19, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nasa ikatlong araw palang ngayong nanunungkulan bilang
bagong Chief of Police ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) si Senior
Inspector Jess Baylon.
Si Baylon na 29-anyos ang siyang pumalit kay Chief
Inspector Nilo Murallos, na ngayon ay nakatalaga na sa Calabarzon.
Sa panayam sa bagong hepe, magiging prayoridad umano nito
sa Boracay ang lalong pagpapaigting sa kampanya laban sa illegal na druga at
krimenalidad.
Malaki umanong hamon sa kanya ang matalaga sa kilalang
tourist destination kung saan dagsa ang maraming bisita at ibat-ibang tao ang
pumapasok sa isla araw-araw.
Samantala, nanawagan naman si Baylon sa publiko na
magtulungan umano na maipatupad ang kaayusan at katahimikan sa Boracay at
iwasan na umano ang paggawa ng mga bagay na mali at hindi nararapat.
Nabatid na ang bagong hepe ng BTAC ay nauna ng natalaga
sa Davao region sa loob ng mahigit limang taon hanggang sa nalipat ito sa Police
Regional Office (PRO-6) Human Resource and Doctrine Development (HRDD) Office sa
Camp Martin Delgado sa siyudad ng Iloilo.
No comments:
Post a Comment