Posted August 19, 2016
Ni Inna carol L. Zambrona,YES FM Boracay
Duguang isinugod sa isang pagamutan sa Boracay ang isang
lalaki matapos itong saksakin ng sinasabing Commissioner sa harap ng isang fast
food chain sa Station 2 Balabag kahapon.
Base sa blotter report ng Boracay PNP, nakilala ang
biktima na si Jholan Asne, 31-anyos, isang Concierge/Billman ng isang resort sa
isla.
Salaysay ng biktima sa mga pulis nilapitan niya umano ang
sinasabing Commissioner na nakahiga sa upuan ng kanilang waiting area na para
sa mga guest at pinag-sabihan niya umano ito na bawal ang tumambay doon dahil
para lamang ito sa kanilang mga bisita.
Ngunit ikinagalit umano ito ng suspek hanggang sa
nagkasuntukan umano sila kung saan may lumapit pa na tatlong Commissioner sa
kanila at doon ay pinagtulungan ang biktima na bugbugin at mabilis siyang inundayan
ng saksak ng isang Commissioner gamit ang isang kutsilyo na tumama naman sa
kaliwang braso at sa kaliwang ulo ng biktima.
Sa ngayon, patuloy ang ginagawang paghahanap ng mga pulis
sa mga sinasabing Commissioner na tumakas din pagkatapos ng insidente kung saan
kasalukuyan namang nagpapagaling ang biktima sa isang ospital sa bayan ng
Kalibo.
No comments:
Post a Comment