Posted
July 20, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Hindi maikakaila na ang mga vendors at mga naka-parking
na sasakyan ang isa sa mga dahilan kung bakit mabigat ang daloy ng trapiko sa
Bloomfield area sa Balabag, Boracay.
Dahil dito nakatakdang ipagbawal ang mga ito simula Lunes
para na rin sa pagsisimula ng ipapatupad na re-routing na siyang magbibigay
daan sa mainroad construction ng BIWC para sa kanilang Sewerline Network
Project.
Sa isang pulong sinabi ni Executive Assistant IV Rowen
Aguirre ng Office of the Mayor ng Malay na magtutulungan sila ng Boracay PNP
para mapaalis ang mga nasabing vendor at mga nakatambay na sasakyan sa lugar.
Maliban dito ipagbabawal din ang kahit anumang delivery
sa one-way na kalsada na siyang resulta rin ng pagkakaroon ng trapik at ang
pagtalaga ng loading at unloading sa mga mag-aaral sa mga paaralan.
Ang re-routing ay inaasahang magsisimula sa susunod na
linggo para bigyang daan sa ang mainroad construction ng BIWC na inaasahang
matatapos ngayong unang linggo ng Agosto.
No comments:
Post a Comment