Posted July 20, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nakatakdang ipatawag sa susunod na SB Session ng Malay
ang kumpanya ng Petro Wind Energy tungkol sa kanilang itinayong windmill sa
bayan ng Nabas at sa Napaan sa Malay.
Sa 3RD Regular SB Session ng Malay kahapon,
naging privilege speech ni SB member Dante Pagsuguiron ang tungkol dito kung
saan concerned nito ang mga ilog na naapektuhan ng windmill project.
Ayon kay Pagsuguiron nais niyang humingi ng update sa
naturang kumpanya kaugnay sa water discoloration na umpekto sa mga ilog sa
nasabing lugar.
Nabatid na dalawang ilog ang natamaan ng itinayong
windmill sa Napaan kung saan nangako naman ang nasabing kumpanya na gagawan
nila ng paraan ang water discoloration sa mga ilog.
Matatandaang ipinatawag na rin noong nakaraang taon sa
Session ang Petro Wind Energy dahil rin sa nasabing kaso kung saan ilang
residente ay nagreklamo dahil sa hindi na nila magamit ang kanilang ilog dala
ng kulay putik na dumadaloy mula sa construction.
Ang windmill ay itinayo bilang pandagdag suplay ng
kuryente sa probinsya ng Aklan lalo na sa isla ng Boracay.
No comments:
Post a Comment