Pages

Saturday, July 02, 2016

PSI Andrade, nanawagan sa mga sangkot sa droga sa Malay: 7 sumuko

Posted July 2, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay   

Isa ang bayan ng Malay sa buong probinsya ng Aklan sa may pinakamaraming nahuling gumagamit at nagbibinta ng illegal na droga.

Dahil dito nanawagan si Malay PNP Police Senior Inspector Frensy Andrade sa mga drug user o mga may nakakakilala sa mga gumagamit ng droga na kung maaari ay hikayatin umano ang mga itong sumuko sa kanilang tanggapan.    

Nabatid na patuloy ngayon ang ginagawang Oplan Tokhang (Toktok-Hangyo) ng Malay at Boracay PNP sa mainland at isla ng Boracay na nasalistahan ng mga sinasabing sangkot sa droga.    

Napag-alaman na marami na ring mga drug user sa probinsya ang sumuko sa mga kapulisan at nangakong sila ay magbabago na umano dahil sa takot sa banta sa kanilang buhay ni Pangulong Duterte.   

Sinabi din ni Andrade na walang dapat ikabahala ang mga sumusuko dahil hidni naman umano sila ikukulong dahil ipapapirma lamang umano ang mga ito sa kasundun na hindi na sila uulit muli sa paggamit ng droga.

Samantala, maaari umanong tumawag o mag-text sa kanilang numerong 0998-967-3667 ang mga gustong sumuko na drug user o may mayroong nalalamang sangkot sa droga.

Sa ngayon nasa pito na ang sinasabing drug user ang sumuko sa mga oras na ito sa Malay PNP matapos ang panawagan sa YES FM ni Andrade.

1 comment: