Posted July 2, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ilang drug user na ang sumuko sa mga kapulisan sa
probinsya ng Aklan bago paman umupo bilang bagong prisedente ng bansa si
Pangulong Rodrigo Duterte.
Dahil dito hinikayat naman ni SB member Jupiter Gallenero
ang LGU Malay na magkaisa para maingganyo ang mga drug user na sumuko na sa mga
kapulisan.
Ayon kay Gallenero ang droga umano kasi ang dahilan kung
bakit nangyayari ang mga kreminalidad sa bansa.
Binanggit din ng konsehal na marami na rin ang mga nahuli
na gumagamit at nagbibinta ng illegal na droga sa bayan ng Malay lalo na umano
sa isla ng Boracay.
Samantala, nais umano ni Gallenero na magkaroon ng
kasunduan ang alkalde ng Malay at ang mga pulis para sa mga sakaling susukong
drug user sa kanilang lugar.
Nabatid na walang rehabilitation center ang nasabing
bayan kung kayat napag-alaman mula sa ibang lugar na pinapapapirma lamang ang
mga ito ng kasunduan na sila ay magbabago na at tatalikuran na ang droga ngunit
sakaling masangkot muli ang mga ito sa ipinagbabawal na gamot ay doon na sila
huhulihin at ikukulong.
No comments:
Post a Comment