Pages

Monday, July 04, 2016

Oplan Tokhang ng Aklan Provincial Office, umabot na sa 139

Posted July 4, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay


Image result for Aklan Provincial Police Office (APPO)Sa inilunsad na Oplan Tokhang (Toktok Hangyo) ng Aklan Provincial Office (APPO) sa ilalim ng Nationwide campaign ng PNP, boluntaryong sumuko ngayon ang mga drug personalities sa probinsya.

Ayon kay PO3 Nida Gregas ng APPO Office, umabot na sa 139 ang mga nahuling pusher, user at pusher/user sa pamamagitan ng kanilang pagkatok sa bawat bahay na nasa kanilang listahan ng drug personalities.

Ang ilan aniya sa mga ito ay boluntaryo mismong sumuko sa kanila lalo na ang mga pangalang nasa drug watch list ng Aklan PNP.

Samantala, walumpu’t lima na ang nakatok na bahay ng mga otoridad mula nang magsimula ang kampanyang Oplan Tokhang (Toktok Hangyo) noong Hulyo  a-uno, at ito naman ay magtatapos sa Hulyo a-kinse taong kasalukuyan.

Nabatid na ang kampanyang ito laban sa iligal na droga ay pinaigting pa sa ilalim nga ng bagong administrasyon at sa  bagong upong Chief ng PNP na si Police Director General Ronald Dela Rosa.

No comments:

Post a Comment