Posted July 5, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ikinatuwa ng
Philippine National Police (PNP) sa probinsya ng Aklan ang boluntaryong pagsuko
ng ilang mga drug user sa lalawigan.
Sa tala ng mga
pulis nasa mahigit tatlumpu na ang mga gumagamit ng illegal na droga ang sumuko
sa kanilang mga lugar na kinabibilangan ng bayan ng Makato, Nabas, Ibajay at
Malay.
Agad namang
isinailalim sa drug test ang mga sinasabing drug user matapos silang papirmahin
at nangakong hindi na ulit gagamit ng droga.
Samantala, ang
pagsuko umano ng mga ito ay dahil sa nais na nilang magbago sa seryosong
kampanya ni President Rodrigo Duterte laban sa illegal drugs.
Ang Aklan PNP ay
mahigit na nangangampanya para sa ikakasugpo ng lahat ng mga drug user sa
probinsya sa loob ng anim na buwan simula ng pag-upo ng bagong Pangulo ng
bansa.
No comments:
Post a Comment