Posted July 19, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Mistulang nakakasanayan na ng mga motorsiklo partikular
ng mga Habal-Habal driver ang tumabay tuwing gabi sa Manoc-manoc station 3 o sa
crossing mangrove.
Ayon kay Executive Assistant IV Rowen Aguirre ng Office
of the Mayor ng Malay sa meeting kahapon para sa re-routing plans, madami na
umano kasing nagrereklamong kabahayan sa lugar na nakaka-istorbo ang mga
naturang sasakyan lalo tuwing hating gabi.
Maliban dito nagreresulta din ito ng trapik tuwing araw
sa nasabing area lalo na at magiging one-way na ito ngayon dahil sa mainroad
construction hanggang sa buwan ng Agosto.
Ang natura namang kalsada papasok ng mangrove ay
gagamitin ngayon bilang one-way ng mga sasakyan na manggagaling sa Lugutan palabas
ng mainrad Manoc-Manoc.
Samantala, nakiusap naman si Aguirre sa lahat na
magtulungan para sa gagawing re-routing para sa ikakaayos ng isla ng Boracay.
No comments:
Post a Comment