Posted July 19, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Bulontaryong
sumuko ang dalawang lalaking may kasong Crime of Reckless Imprudence Resulting
in Homicide kahapon sa Boracay PNP.
Nakilala ang mga
suspek na sina Rene Boy Batianco, 30-anyos ng Negros Occidental at Ivan Tabuna,
31-anyos na kapwa naninirahan sa isla ng Boracay.
Ang naturang kaso
ay inisyu ni Honorable Judge Maribel De Guia-Cipriano, ng 5th Municipal Circuit
Trial Court, 6th Judicial Region, Buruanga-Malay, Buruanga, Aklan na may
petsang May 18, 2016.
Nagkakahalaga
naman sa P30, 000 ang piyansang inilaan sa bawat akusado para sa kanilang
pansamantalang kalayaan.
Sa ngayon ang
dalawang suspek ay nasa kustodiya na ng Boracay PNP station at nakatakdang
iturn-over sa korting nasasakupan.
No comments:
Post a Comment