Pages

Monday, July 25, 2016

Aklan magiging filariasis-free na sa loob ng dalawang taon

Posted July 25, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for FilariasisMasayang ibinalita ni Dr. Cornelio Cuachon, Jr., Provincial Health Officer I na magiging filariasis-free na ang probinsya sa loob ng dalawang taon.

Sa panayam kay Cuachon, meron nalang umano ngayong microfilarial rate na 1.6% ang Aklan base sa kanilang findings noong Abril 2016, malapit na sa mababang 1% mf, ang prevalence rate na kailangan para madeklarang LF-free.  

Sinabi nito na grabe ngayon ang pagbaba ng mf rate kumpara noong 2009 kung saan ang kauna-unahang kaso ng LF ay nakumpirma sa bayan ng Libacao at Madalag na siyang nagdeklara sa Aklan na moderately endemic sa LF na may rate na 6.2%.

Nabatid na ang Filariasis o mas kilala sa tawag na “elephantiasis” ay isang sakit dahil sa kagat ng lamok na nagdadala ng worm parasite na tinatawag na microfilariae.

Samantala, nanawagan naman ang DOH at PHO sa publiko na sumali at suportahan ang Mass Drug Administration (MDA) para sa Lymphatic Filariasis para masigurado ang pagsugpo dito at  pagdeklara sa probinsya ng LF-free sa 2018.

No comments:

Post a Comment