Pages

Monday, July 25, 2016

Aklan-Hawaii sisterhood relationship, kinilala ng Sangguniang Panlalawigan

Posted July 25, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for sp aklanBinigyan ngayon ng pahintulot ng 17th Sangguniang Panlalawigan (SP) Aklan ang pagtatag ng sisterhood relationship sa pagitan ng probinsya ng Aklan at ng State of Hawaii, United States of America.

Ang pagkumpirma ng sisterhood relationship ay sa pamamagitan ng isang resulosyon na ipinasa ng 17th SP, noong 2nd regular session araw ng Lunes Hulyo 18 taong kasalukuyan.

Sa nasabi ring resolusyon ng 17th SP ay i-notarize si Governor Miraflores ng probinsya na maglagda ng sisterhood agreement sa gitna ng Aklan at Hawaii na ang mga “areas of cooperation” ay posibleng sa larangan ng turismo, agrikultura at disaster mitigation.

Sinabi naman ni Reynaldo Quimpo bagong Bise Gobernador, na itong obligasyon sa pagpapatibay sa relasyon at kung ano pa na mga bagay at sa larangan ng pag-unlad ang dapat na isama dito sa nasabing Aklan-Hawaii Sisterhood Agreement.

No comments:

Post a Comment