Posted June 15 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nakatakdang magsagawa ngayong araw ng Biyernes Hunyo 17
ng Mass Mass Blood Donation ang Philippine Red Cross (PRC) Boracay-Malay
Chapter.
Ito ay bilang pakikiisa sa selebrasyon ng World Blood
Donor Day kung saan layun nito na makalikom pa ng maraming dugo para sa mga
nangangailangan.
Dahil dito hinikayat ngayon ni Head Officer Marlo
Schonenberger ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office at dating
PRC Boracay-Malay Chapter ang publiko na makiisa sa nasabing Blood donation.
Samantala, kinakailangan umano sa pag-donate ng dugo ay
mayroong sapat na tulog mula anim hanggang walong oras, walang ininum na alak,
hindi naka-inom ng gamot sa loob ng 24-oras at may sapat na kinain.
Ang Mass Mass Blood Donation ay isasagawa sa PRC Office
sa Ambulong, Manoc-Manoc Boracay simula alas-9 ng umaga hanggang alas-3 ng
hapon.
No comments:
Post a Comment