Pages

Wednesday, June 15, 2016

Pagbayad ng terminal fee at environmental fee ipinaliwanagCre

Posted June 14, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Photo by lkytravelpinas.wordpress.com
Hindi ka maaaring makapasok sa isla ng Boracay kung hindi ka nagbayad ng Terminal fee at Environmental fee kasama na ang tiket sa bangka kung ikaw ay hindi Aklanon o turista.

Ito ay base sa ipinapairal na batas ng Jetty Port Administration na matagal ng ipinapatupad at napagkasuduan ng Provincial Government at ng LGU Malay.
  
Ayon kay Special Operation III Jean Pontero ng Caticlan Jetty Port, kung ikaw ay bakasyunita sa Boracay at tumawid ka muli at babalik naman agad para lamang mamasyal sa mainland o may importanteng bagay na gagawin, ay hindi kana maaaring magbayad muli ng mga nasabing fee basta ipakita lamang ang tiket na iyong binili o magpaliwanag.

Sa kabila nito, sinabi naman ng Malay Tourism Office na may ilan ng kaso ang nangyari kaugnay sa muling pagbayad ng terminal fee.

Samantala, sinabi naman ni SB member Rowen Aguirre na papaano mapapasyalan ng mga bakasyunita sa Boracay ang ilang tourist spot sa mainland kung sa bawat pagtawid ng mga ito ay sisingilin sila ng terminal at environmental fee sa pantalan.

Matatandaang pinuna sa nakaraang session ng Malay ang naturang sistema sa nasabing pantalan.

No comments:

Post a Comment