Posted June 7, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Nagsimula na
kahapon ang Marine Conversation Camp sa isla ng Boracay para sa mga Filipino
Youth ng Young Southwest Asian Youth leaders Initiative (YSEALI) Sea at Earth
Advocates (SEA) Camp na magtatapos ngayong linggo.
Ito ay proyekto naman
ng Save Philippine Seas (SPS) at U.S. Embassy sa Manila kung saan kahalintulad
din ito sa UN World Oceans Day, Coral Triangle Day, at Philippine Independence
Day.
Layunin ng YSEALI
SEA Camp ay magbigay ng kaalaman sa mga Filipino Youth na may edad 18 hanggang
23-anyos na makibahagi sa malaking tungkulin sa konserbasyon.
Nabatid na dalalawangput
lima naman ang kasali rito na galing sa ibat-ibang bahagi kapuluan sa bansa ang
napili mula sa apat na raang aplikante.
Maliban dito,
sasailalim ang mga lalahok sa intensive leadership at environmental education
program, educational activities katulad ng panel discussion, workshops,
snorkeling at site visits sa turismo ng Boracay.
Samantala, sa
huling dalawang araw naman ng SEA Camp, ang mga partisipante ay itutuloy ang
apat na proyekto dito sa Boracay na kinabibibilangan ng waste management
initiative na ang layunin ay mabawasan ang paggamit ng straws at sachets.
No comments:
Post a Comment