Posted June 7, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ngayong araw nalang ang huling filing ng Statement of
Contributions and Expenses (SOCE) sa Comelec ng mga kandidadatong tumakbo sa
national and local election nitong Mayo.
Ito ang sinabi ni Malay Comelec Officer II Chrispin Raymund
Gerardo, kung saan hindi na umano sila magbibigay ng ekstensyon pa.
Aniya ang hindi makakapag-file ng SOCE ay maaaring
maharap sa administrative fine na nagkakahalaga ng P10,000 hanggang P30,000 dependi
sa kanilang posisyon na tinakbuhan o ma-diskwalipika at maaaring hindi payagang
tumakbo sa mga susunod na halalan.
Nakasaad umano sa Section 11 ng Omnibus Election Code na
binibigyan ang mga kandidato ng hanggang 30 days matapos ang eleksyon para
e-file ang kanilang SOCEs, kahit na nanalo pa umano ang mga ito o natalo.
Nabatid na ang Comelec at ang Department of Interior and
Local Government ay mayroong kasunduan na hindi pahihintulutan ang mga nanalong
kandidato na hindi nakapag-file ng SOCEs na umapo sa kanilang pwesto, lokal man
o national.
Samantala, kung dalawang beses naman umanong hindi
nag-file si kandidato kasama ang nakaraang eleksyon niya ay pwede siyang maging
candidate para sa perpetual disqualification case na humawak ng public office
kahit na appointive o elective.
No comments:
Post a Comment