Posted June 21, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Sa kabila ng ginagawang mahigpit na kampanya ng mga pulis
laban sa illegal na droga sa Aklan, isang Mayor umano sa probinya ang kasama sa
illegal na gawaing ito.
Ito ay base sa inilabas na datos ng Philippine Drug Enforcement
Agency (PDEA) kung saan 35 na mga Alkalde sa buong bansa ang sangkot sa illegal
drugs.
Maliban dito dalawang alkalde sa Negros Occidental ang
kasama habang tatlo sa Iloilo, 1 sa Antique at 1 naman sa Aklan.
Samantala, patuloy naman ngayong kinukuhaan ng himpilang
ito ng pahayag ang Aklan Police Provincial Office (APPO) tungkol sa sangkot na
Mayor sa illegal na droga.
No comments:
Post a Comment