Pages

Monday, June 20, 2016

Eskwelahan na may Senior highschool sa Aklan nasa mahigit 115 – Deped

Posted June 21, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay


Nasa mahigit isang daan at labing lima umano ang nag-offer na mga paaralan ng Senior high school sa Probinsya ng Aklan.

Ayon kay Aklan Schools Division Superintendent Dr. Jesse Gomez, Pitumput lima umano sa Public school at apatnapu ang sa private school ang nag-open ng senior high school base sa rekord ng Department of Education (DepEd).  

Sa kabilang banda sinabi naman ni Gomez, na trimester na ibibigay ang budget para sa senior high school kung saan ang mga hindi na nakahabol sa huling enrollment noong June 17, 2016 ay hindi nmakakasama sa ibibigay na budget.

Nabatid kase, na kung sino man ang hindi nakahabol sa nakatakdang enrollment ay hindi na makakasama na mabibigyan ng budget katulad ng module ng libro na kanilang paghahatian at upuan na sarili nilang dadalhin.

Sa ngayon, ay hinihintay nalang ng Deped ang budget para ipamahagi sa mga paaralan na merong Senior high school.

No comments:

Post a Comment