Posted June 4, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Mariing itinanggi
ng Aklan Provincial Prosecutors office sa pamumuno ni Prosecutor head Atty.
Maya Tolentino na may nangyaring tanim bala sa suspek na mag-asawa sa Caticlan
Airport.
Ito ay base umano
sa kanilang nakitang probable cause na dala ng suspek na si Jerome Sulit ang
mga nasabing bala sa naturang paliparan.
Dahil dito
naniniwala si Atty Tolentino na malinis ang konsensya ng kanyang mga
prosecutors na nag-imbestiga ng kaso sa suspek.
Kaugnay nito
rerespituhin naman umano ng piskalya ang mga desisyon ng korte matapos na
mag-file ng motion to quash ang Public Attorney's Office sa katauhan ni PAO
head Atty Percida Acosta.
Matatandaang
nahuli si Jerome Sulit kasama ang kanyang asawa habang papasok sa Caticlan
Airport kung saan dito nakuha ang14 na bala ng 22 caliber na baril nitong
nakaraang buwan.
No comments:
Post a Comment