Posted June 4, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Sa kulungan na
inabot ng umaga ang Commissioner na lalaki matapos nitong batuhin ng bote ng
alak ang isang tindahan sa Brgy. Balabag, Boracay kagabi.
Reklamo ng
biktima na si Alinader Sarip 29-anyos sa Boracay PNP, nasa loob umano siya ng
kanyang tindahan ng dumaan ang suspek na si Jhun Macadat 25-anyos na may dalang
bote ng nakakalasing na inumin.
Kung saan walang kadahilan-dahilan
ay bigla nalang umano nitong ibinato ang hawak na bote sa nasabing tindahan at mabilis na tumakbo papalayo.
Dahil dito, ay
mabilis na lumabas ang biktima kasama ang kanyang mga kasamahan at hinabol ang suspek kung saan nahuli naman nila ito at
agad na dinala sa Boracay PNP station.
Nabatid na nasa
ilalim ng nakakalasing na inumin ang suspek at sinasabing napag-tripan lang
umano nitong gawin ang insidente.
No comments:
Post a Comment