Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Kulong ang isang
lalaki matapos nitong hampasin ng bote ng alak at saksakin ang kaibigan nito sa
kanilang compound sa Brgy. Balabag, Boracay kaninang madaling araw.
Nakilala ang
biktima na si Salvador Vargas 31-anyos habang ang suspek ay kinilala namang si
Yankee Romano alyas “Boyong” 23-anyos at parehong residente ng nasabing lugar.
Sa blotter report
ng mga pulis, nasa-ilalim umano ng nakakalasing na inumin ang suspek kung saan
hinampas nito ng bote ng alak ang biktima sa kanyang ulo.
Nabatid ng
mabasag ang bote ay dito naman sinaksak ng suspek ang biktima sa kanyang kamay
gamit ang bubog ng botelya.
Samantala,
sinasabing dahil sa kalasingan ang dahilan kaya nagawa ng suspek ang insidente
na ngayon ay pansamantalang iki-nustodiya sa lock-up-cell ng Boracay PNP.
No comments:
Post a Comment