Pages

Saturday, May 21, 2016

BFP Boracay, may paalala sa paulit-ulit na nangyayaring sunog sa Dumpsite sa Manoc-manoc

Posted May 21, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay 

May paalala ngayon ang Bureau of Fire Protection (BFP) Boracay sa paulit-ulit na sunog na nangyayari sa Dumpsite ng isang hotel sa Station 3 Manoc-manoc, Boracay.

Ayon kay FO3 Franklin Arubang ng BFP-Boracay, posible umanong upos ng sigarilyo ang sanhi ng nangyayaring sunog sa lugar.

Dahil dito pinayuhan nito kung sino man ang dumadaan sa lugar na huwag magtapon ng sigarilyo na may baga pa dahil posibleng magdulot umano ito ng sunog.

Nabatid na dalawang beses na umanong nangyari ang sunog sa lugar ngayong taon kung saan pahirapan din ang pag-apula nito dulot ng tambak-tambak na basura.

Samantala, paalala din nito sa publiko na kung magtatapon ng basura ay dapat i-segregate ng mabuti ang kanilang basura bago itapon sa dumpsite.

No comments:

Post a Comment