Pages

Thursday, April 07, 2016

ASEAN Meeting ng Maritime Working Group sa Boracay nag-simula na

Posted April 7, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Photo Credit to Tisha Azarcon
Simula kahapon Abril 6 ay nagsimula na ang ASEAN Meeting ng Maritime Working Group sa Hennan Regency Beach Resort and Spa sa isla ng Boracay.

Ito ay tatlong araw na meeting na magtatapos naman bukas Abril 8 kung saan dinaluhan ito ng 170 delegates mula sa ASEAN-member countries ng Brunei Darussalam, Vietnam, Thailand, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Singapore, Pilipinas at nang dialogue partners mula sa Japan at China para pag-usapan ang maritime concerns at improvement ng transportation activities.

Pinangunahan naman mismo ni Maritime Industry Authority (Marina) regional Director Mary Ann Armi Arcilla at Transport and Communication Assistant Secretary Admiral Lino Dabi ang pag-bubukas ng ASEAN Meeting kahapon.

Kabilang pa sa mga dumalo si Marina administrator Dr. Maximo Mejia, Jr. acting ASEAN-MTWG chairperson; Director of International Division, Maritime and Port Authority ng Singapore Dr. Angela Png, vice-chairperson at ASEAN Secretariat Megasari Widyaty ng Indonesia.

Samantala, mahigpit naman ang ipinapatupad na seguiridad ngayon sa isla sa pangunguna ng   Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) at ng Philippine Coast Guard.

1 comment: