Pages

Thursday, April 07, 2016

Anti-illegal drug operations and investigation seminar ginanap sa Aklan

Posted April 7, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Ginanap nitong nakaraang araw ang Anti-illegal drug operations and investigation seminar sa Camp Pastor Martelino, New Buswang Kalibo, Aklan .

Ito ay limang araw na seminar kaugnay sa tuloy-tuloy na kampanya laban sa illegal na droga sa probinsya ng Aklan gayon din ang pag-enhance ng kapasidad ng mga law enforcement officers sa pangunguna ng Dangerous Drugs Board (DDB) kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Pinangunahan naman mismo ni DDB Chairman Sec. Felipe L. Rojas Jr., kasama si Asec. Abe L. Lemos, Deputy Director General for Operations PDEA ang naturang aktibidad.

Samantala, dinaluhan naman ito ng mga police officers mula sa ibat-ibang municipal stations sa Aklan partikular ang Intel operatives at investigators.
Layunin naman ng nasabing training, na magkaroon ang mga partispinate ng sapat na kaalaman at abilidad mula sa aktibidad ng droga.

Ang naturang seminar ay kaugnay sa patuloy na paglaban kontra sa kriminalidad sa probinsya at ang pagpapaigting sa implementasyon ng Lambat Sibat lalo na sa nalalapit na national at local elections para makamit ang ligtas at patas na eleksyon ngayong taon.

No comments:

Post a Comment