Pages

Wednesday, March 09, 2016

Tourguide na nag viral sa social media, idineklarang “Persona non Grata” sa Boracay

Posted March 9, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Pormal na idiniklara ng Sangguniang Bayan ng Malay na “Persona Non Grata” ang isang tour guide sa Boracay matapos nitong siraan ang isla at nasabing bayan.

Sa SB Session ng Malay nitong Martes, ipinaabot ni SB Member at Chairman ng Committee on Tourism Jupiter Gallenero sa kanyang privilege speech, ang tungkol sa kumakalat ngayong video ng nasabing tourguide na kinilalang si Jess Magpusao ng Numancia, Aklan.

Maliban dito, ipinakita ni Gallenero sa Session ang naturang video kung saan nakikipagsagutan si Magpusao sa isang ginang na residente ng Boracay hanggang sa umabot na sa paninira sa isla kung saan siya nag-tratrabaho.

Ayon kay Gallenero nag-file na umano ng reklamo ang ginang sa Municipal Tourism Office kung saan napag-alam na hindi din umano ito miyembro ng kung anong asosasyon ng mga tourguide sa isla.

Ang motion para e-ban sa Boracay si Magpusao, ay inihain mismo ni Gallenero kung saan nakatakda naman nilang alamin mula sa Numancia PNP kung may iba pa itong record upang mapatibay ang nasabing motion.

Nabatid na nangyari ang insidente nito lamang Pebrero sa loob ng isang pampasaherong ban, papuntang bayan ng Kalibo kung saan kasama umano ni Magpusao ang kanyang mga guest habang isa din sa mga pasahero ang ginang.

Ang naturang video ay umabot na sa libo-libong shares, comments at likes kung saan pinulbos naman ng ibat-ibang negatibong kumento si Magpusao na sinasabi na isa ring bading.

2 comments:

  1. Great Job Hon. Gallenero and Sir Filex G. Delos Santos, may this incident serves as a lesson to all transient working in Boracay

    ReplyDelete
  2. It'll be great if you include the said video in this report. :)

    ReplyDelete