Posted March 9, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nilinaw ngayon ng Boracay Photographers Association Inc. (BPAI)
na hindi na nila miyembro ang suspek na nahuli sa buybust operation nitong
nakaraang linggo sa Manoc-manoc, Boracay.
Ito’y matapos marami umanong lumabas na haka-haka na ito
ay kabilang sa kanilang grupo bilang photographer sa isla.
Ayon kay BPAI President Ernesto Bandiola Cruz, matagal ng
wala sa BPAI si Christian Belmonte alyas “aki” ng Roxas City na nahuli sa
illegal drugs.
Iginiit naman ni Cruz na bago niya tanggapin ang kanyang
mga miyembro ay sumasailalim muna ang mga ito sa drugtest para sa maayos na
operasyon sa isla ng Boracay.
Samantala, sinabi pa nito na wala na rin umanong permit
si Belmonte bilang isang photographer sa isla ng Boracay.
Si Belmonte ay nahuli nitong Sabado sa pinagsamang pwersa
ng Provincial Anti Illegal Drug Special Operations Task Group (PAIDSOTG/PSOG),
kasama ang Kalibo at Boracay PNP kung saan nakuha naman sa posisyon nito ang
apat na sachet ng suspected shabu.
No comments:
Post a Comment