Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Photo Credit by: Jay Pee
|
Masaya ngayon ang
Philippine Red Cross Boracay-Malay Chapter dahil sa pagkakaroon nila ng 11
certified swimming instructors.
Ayon kay PRC
Deputy Administrator John Patrick Moreno, lahat umano ng mga lifeguard sa
Boracay ay sumubok sa isinagawang training nitong nakaraang linggo sa Boracay
kung saan labin isa rito ang binigyan ng certificate at pito naman ay nabigyan
ng lisensya.
Dahil dito
certified na umano silang magturo sa larangan ng paglalangoy kung saan sinanay
pa umano ang mga ito ng mga professional lifeguards mula sa PRC chapter ng
National headquarters, Ormoc City Chapter, Capiz Chapter at Iloilo Chapter.
Samantala sa
ngayon ay patuloy naman ang kanilang isinasagawang meeting sa pagbibigay ng mga
rules and regulation ng lifeguards at bilang paghahanda narin ngayong Super
Peak Season sa isla ng Boracay.
No comments:
Post a Comment