Posted March 22, 2016
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Arestado ngayon ang isang lalaking wanted sa kasong child
abuse sa Naga City sa Sitio Ambulong Brgy. Manoc-manoc kagabi.
Nakilala ang naarestong si Rodolfo Narido 28-anyos residente
ng Cadlan Pili, Camarines Sur at temporaryong nakatira sa nasabing Brgy.
Sa report ng Boracay PNP, nahuli ang suspek na may kasong
Violation of RA 7610 o child abuse at may criminal case no. RTC 2015-0049 na
inisyu ni presiding judge Erwin Virgilio Ferrer ng 5th judicial
Region branch 20 ng Naga City at may petsang Pebrero 6, 2015.
Samantala, nagkakahalaga naman ng P80, 000 ang inilaang
piyansa ng korte para sa kanyang pasamantalang kalayaan na ngayon ay nasa kustudiya
pa ng Boracay PNP at nakatakdang i-turn over sa nasabing korte.
No comments:
Post a Comment